The Innocent Man Alternate Ending - BlogPh.net

Top Menu

The Innocent Man Alternate Ending

I didn’t really understand the Innocent Man (also called Nice Guy) when I first watched it. The subtitle was in broken Korean as if straight from Google Translate. I had a better chance of understanding it through GMA. Yet whether in Korean with English subtitle or Filipino dubbed, the ending remains lacking for me.

The Innocent Man
from dramanut.com

At dahil nabitin ako wakas ng Koreanovelang ito, heto ang trip-trip lang na alternate ending ng The Innocent Man.

So Maru handed over the jewelry box with rings inside to Megan at the bench and the latter was surprised to see it.

Megan: Maru… (nangingilid na ang luha pero si Maru masaya)
Maru: Ibibigay ko dapat yan sayo noon para magpropose pero bumalik na ang alaala mo at galit na galit ka sa kin.
Megan: Maru, walang araw na hindi kita inisip. Gumuho ang lahat ng di mo ko maalala pagkatapos ng operasyon mo sa ospital. Di ko alam ang gagawin ko. Pero naisip kong manatili sa tabi mo tulad ng ginawa mo para sa kin nung hindi rin kita maalala. Pero huli na dahil pinapunta ka na sa Amerika ng doctor mo.
Maru: Sya din ang immediate adviser namin sa medical school. Kahit na-kick out ako dati, bilib pa rin sya sa talent ko kaya nya ko pinag-aral ulit sa ibang bansa.
Megan: Ganun ba. Ako lagi kitang iniisip nung wala ka. Umaasa na maaalala mo na ako at babalik ka.
Maru: (Ngumiti) Sina Choco at Dennis, ilang beses ka nila kinuwento. Sabi nila tawagan kita habang nasa Amerika ako pero matigas ang ulo ko. Bakit ko naman gagawin yun eh hindi kita kilala? Isa pa, naging busy ako sa pag-aaral.
Megan: Mabuti na lang bumalik ka na. At nung bumalik ka, iniwan ko ang lahat para sundan ka dito.
Maru: Anong nangyari sa Tesan?
Megan: Si Atty. Park and OIC ngayon. Sina Janelle at Tony nakulong. Balita ko lumabas na sila kelan lang. Napatawad ko na sila pero hindi ko na sila kaya pang tanggapin sa kumpanya. Si Stephen, ang kapatid ko na lang ang aalagaan ko.
Maru: Tama yan.
Megan: Kelan mo pa ako naalala Maru?
Maru: Kelan lang. Kaya pala parang pamilyar ka sa kin nung una kitang nakita dito. Nakumpirma ko kina Dennis at Choco kung sino ka. Kaya lagi akong nasa coffee shop mo. Pero di ko alam kung pano kita lalapitan gayong di naman kita naaalala. At ngayong nanumbalik na sa kin ang lahat, gagawin ko na ang hindi ko nagawa dati. Megan, will you marry me?
Megan: Yes. Ikaw lang ang pinapangarap ko Maru. Tulad ng sinabi ko sayo dati, gusto kong tumanda kasama ka, magkaron ng mga anak, at sasabihing “I love you” at sasabihin mo din yun sa kin.
Maru: (Tumango at sinabing…) Megan, sayo ko lang naramdaman ang tunay na pag-ibig. Yung hindi bibitaw kahit anong yaman pa ang ipalit.


Nagyakapan sila and they kiss. :D 

Post a Comment

Copyright © BlogPh.net