Mistulang nagpiyesta ang buong sambayanang Pilipinas sa katatapos na Senate Hearing tungkol sa Extra Judicial Killing (EJK) kung saan ang prosecution team ay naglabas ng testigo na nagbigay ng pasabog tungkol sa mga krimen na diumano'y gawa ni Pangulong Rodrigo Duterte at anak niyang si Bise Mayor ng Davao, Paolo Duterte.
Ngunit, hindi nagulantang ang buong bansa sa mga isinawalat ng testigo na si Edgar Matobato; bagkus, naging katawa–katawa ang mga naging pahayag niya dahil puno ito ng hindi pare-parehong pahayag, tsismis, at haka-haka lamang. Dahil dito, ang kasalukuyang Senate hearing ay naging sentro ng baliktaktakan ng bawat kampo – mapa-pro Duterte or anti-Duterte man.
Ngunit, alam niyo ba na marami na ring mga naunang drama tuwing may pagdinig sa Senado bago pa ito? Narito ang ilan sa mga hindi malilimutang eksena sa mga Senate hearings.
Ngunit, hindi nagulantang ang buong bansa sa mga isinawalat ng testigo na si Edgar Matobato; bagkus, naging katawa–katawa ang mga naging pahayag niya dahil puno ito ng hindi pare-parehong pahayag, tsismis, at haka-haka lamang. Dahil dito, ang kasalukuyang Senate hearing ay naging sentro ng baliktaktakan ng bawat kampo – mapa-pro Duterte or anti-Duterte man.
Ngunit, alam niyo ba na marami na ring mga naunang drama tuwing may pagdinig sa Senado bago pa ito? Narito ang ilan sa mga hindi malilimutang eksena sa mga Senate hearings.
Hindi Malilimutang Eksena sa mga Senate Hearings
Image form SunStar |
Hayden Kho Scandal
Hindi lang ang tugtog at sayaw ni Katrina Halili ang naging memorable dito. Naging laman din ng pahayagan ang dating police officer na si Abner Afuang dahil sa binuhusan niya ng tubig si Hayden Kho. Inaresto si Afuang ng Senate Security at panandaliang inilagay sa presohan.
Tessie Aquino-Oreta Dance
Ang laking pasalamat siguro ni dating Senadora Oreta na hindi na uso ang mga paligsahan sa pagsayaw sa Eat Bulaga; baka naging dance sensation pa ang kanyang mga dance steps. Noong panahon ng pagdesisyon sa pagpatalsik kay dating Pangulong Estrada, kung saan ibinasura ng senado ang impeachment complaint, naging sobra ang kagalakan ng nasabing senadora. Nakunan siya sa TV camera na sumasayaw na animo parang bata na nanalo sa patintero.
Panoorin ang video dito:
From YouTube |
Jojo Veloso Audition Scandal
Naging kontrobersiyal ang pandinig nito sa senado dahil ayun sa mga mamamayan noong panahon na iyon, hindi akma ang senado sa pagdinig ng kasong ito. Naging kontrobersiyal ang dating talent manager na si Jojo Veloso dahil sa isang videotaped audition na kumalat kung saan nakitaan siya na umabaso ng mga “male talents.”
Image from suspensionofdisbelief.wordpress.com |
Miriam Santiago Gets Mad at the Gallery
Bago sumayaw si Senadora Oreta at umiyak si Senadora Loren Legarda, nagalit muna si Senadora Miriam Defensor Santiago sa isang grupo na nakaupo sa galerya ng senado. Ayon sa matapang na senadora, tinitignan daw siya ng masama ng grupong ito; pinalabas ng Sergeant at Arms ang nasabing grupo.
Image from newsflash.org |
Drilon and Escudero’s Tug of War
Hindi ho sila nag-lalaro ng pisi dito bagkus naging isa sa hindi malilimutang eksena ang kanilang pag-aaway dahil lamang sa argumento kung dapat bang pakinggan sa pagdinig ng senado ang “audiotaped conversation” ukol sa Mamansapano Massacre.
Image from angkahayag.blogspot.com |
Ernie Maceda Beatles Performance
Nangyari ito sa panahon ng ika-siyam na Kongreso kung saan kumanta si dating Senador Ernesto Maceda ng kantang “Taxman" ng bandang The Beatles. Ito ay bilang patutsada ng senador sa dating pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Fidel V. Ramos.
Image from politics.cph.com |
Walkout of Miriam Defensor Santiago
Opo, maraming mga nakakatuwang eksenang ginawa ang Ilonggang senadora na ito. Noong kasagsagan ng pagdinig sa senado tungkol sa NBN-ZTE scam, biglang nag-walkout ang senadora dahil sa dismaya. Ayun sa kanya, pinag-aawayan lamang ang perang komisyon at hindi ang scam mismo.
Image from junbriosolawandbehold.blogspot.com |
Miguel Zubiri Resignation
Hindi lamang sayawan, kantahan, walkout, at kakatatawanan ang ating nakita sa mga naunang Senate Hearings. Meron din tayong nakitang seryosong eksena tulad ng pag-resign ni Miguel Zubiri bilang senador dahil sa gulo at eskandalong nangyari noong 2010 elections.
Image from YouTube |
Vitaliano Aguirre and Miriam Defensor Santiago
Nagalit ang senadora ng nakunan sa video ang prosecutor na si Vitaliano Aguirre na nagtakip ng tenga habang pinapagalitan ng senadora ang prosecution panel. Nagalit at nag–lecture ang senadora dahil ayon sa kanya, hindi preparado ang grupo ng prosecution habang dinidinig ang kaso ng pagpapatalsik kay dating Supreme Court Justice Renato Corona.Image from Professional Heckler |
Enrile Playing Bejeweled
Dahil siguro nababagot ang dating Minority Floor Leader, nahulihan siya na nag-lalaro ng Bejeweled. Hindi naman ito ikinahiya ng batikang senador dahil ayon sa kanya, wala naming batas na nag-babawal sa paglalaro ng video games habang breaktime ang Senate Hearing.
Image from technology.inquirer.com |
Tito Sotto Cried
Hindi lamang po mahusay sa pagpapatawa ang dating miyembro ng comedy band na Tito Vic and Joey. Ipinakita ng senador ang talent niya sa pag-iyak habang dinidetalye nito ang pagkamatay ng kanyang anak noong 1975 dahil lamang sa contraceptives. Ang eksenang ito ay nangyari sa panahon ng pagdinig sa senado tungkol sa Reproductive Health Bill.
Image from Rappler |
Corona on Wheelchair
Pwedeng sabihin na si dating Justice Renato Corona ang nag-pasimula ng popularidad sa pag-gamit ng wheelchair ng mga politico. Sa isang pag-dinig patungkol sa pagpapatalsik sa kanya sa Korte Suprema, humingi ng abiso ang dating punong mahistrado. Mahigit tatlong oras bago bumalik si Corona sa hearing at sakay na ng wheelchair.
Image from readingpolitics.wordpress.com |
Marami talagang nangyari at pangyayari sa Senado na naging laman ng pahayagan at ng utak ng mga Pilipino. Ang malungkot lang dito ay karamihan sa mga nangyayari ay walang kinalaman sa tinatawag na "in aid of legislation.” Parang habang tumatagal, ang mga pagdinig sa senado ay nagiging katawa-tawa at ayon sa karamihan, nararapat na mapabilang sa “Hall Of Shame.”
Post a Comment