21 Na Mga Karaniwang Bagay Na Makikita Sa Loob ng Bawat Bahay ng Mga Pinoy - BlogPh.net

Top Menu

21 Na Mga Karaniwang Bagay Na Makikita Sa Loob ng Bawat Bahay ng Mga Pinoy


Pag-nakita ninyo ang karamihan sa mga bagay na ito sa bawat bahay sa Pilipinas, maari mong sabihin na tradisyonal pa rin karamihan sa mga Pinoy. Maaring ang ibang bahay ay napalamutian na ng mga makabagong teknolohiya pero parang QWERTY ng typewriter, ang mga bagay na ito ay nananatiling permanente sa mga Pinoy.  Tignan ang listahan kung ilan ang meron kayo sa mga bagay na ito.

Mga Karaniwang Bagay Na Makikita Sa Loob ng Bawat Bahay ng Mga Pinoy
From: Wikipedia

Krusipiho, krus, or crucifix in English


Pagpasok mo pa lang sa loob ng gate, makikita mo na ang bagay na ito na naka-kabit sa pintuan ng bahay.  Pag-pasok mo sa loob ng tahanan, makikita mo pa rin ang religious item na ito sa ibat ibang sulok ng bahay ng bawat Pilipino maliban lamang sa palikuran.
Tsinelas
From: bettercurly.blogspot.com

Tsinelas


Hindi ho ito katulad ng tsinelas na nakikita ninyo sa mga hotel.  Ang tsinelas na tinutukoy dito ay iyong yari sa rubber na goma.  Kadalasan, ang mga tsinelas ay inilalagay sa gilid ng pader malapit sa pintuan, sa labas ng pintuan ng CR, at sa labas ng bahay. Ito ay ginagamit ng mga miyembro ng pamilya or minsan pinapagamit sa mga bisita upang maging “feel at home” talaga sila sa pagbisita sa bahay ng mga kaibigan.
Aparador
From: Popscreen

Aparador na yari sa salamin 


At least, meron isa or dalawang aparador ang makikita ng mga bisita sa loob ng bahay.  Kadalasan ito ay pinag-lalagyan ng mga dining set, encyclopedia, imported na groceries (unused or used), mga “butingtings” tulad ng souvenir sa kasal, at iba pang mga bagay na sa katamaran hindi na naigawang ilipat sa tamang paglalagyan gaya ng mga papel, resibo, at mga librong pang-eskuwela.


Doormat
From: maskomkid.wordpress.com

Doormat


Ang pinaka–karaniwang doormat na makikita ninyo sa bawat bahay ng mga Pilipino ay may nakaukit or nakaburda na “WELCOME.”  Karamihan sa mga doormats na ito ay binili or pasalubog galing sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas. 


Last Supper
From: Quora

Larawan ng Last Supper


Kung kayo ay na-imbitahang kumain at sumalo sa pamilya ng kaibigang dinalaw, makikita mo na typical Filipino ang pamilya dahil sa may nakasabit na larawan ng Last Supper of Jesus Christ sa dingding ng kusina. Ito ay simpleng reminder kung gaano kahalaga ang mga religious artifacts sa pamilyang Pilipino.


Giant Spoon and Fork
From: pinoywarrior.com

Giant Spoon and Fork


Katabi ng larawan ng Last Supper ay malalaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding.  Minsan, katabi ito ng Last Supper picture frame.  Pag nakikita ito ng mga banyagang bisita, maiisip nila na ang higante sa Jack and The Beanstalk ay frequent visitor of the family.


Walis at Dustpan
From: homeconanay.blogspot.com

Walis at Dustpan


Hindi kompleto ang pagiging Pinoy kung wala ang dalawang mapag-kakatiwalaan na mga cleaning agents; ang walis at ang dustpan.  Kahit may vacuum cleaner na ang bahay, mas ginagamit ang mga ito sa paglilinis lalo na’t kung malalaking basura ang kailangang walisin.  Minsan, ginagamit din ang walis sa pagtaboy ng mga alagang hayop na nakakapasok sa bahay ng wala sa oras.


Altar
From:  Flicker

Altar


Pagpasok pa lang ng mga bisita sa bahay ng mga Pinoy, nakabungad na kaagad ang isang altar na napalamutian ng mga ibat-ibang religious icons tulad ng crucifix na naba.  Ang pinaka-popular ditto ay ang Santo Niño, Virgin Mary, St. Joseph, St. Gabriel Arkanghel, San Pedro, at Sacred Heart of Jesus.


Achievement Wall
From: jostens.com

Achievement Wall


Kahit modern na ang lifestyle at pag-iisip ng maraming Pinoy, marami pa rin sa kanila ang mas nanaisin ikabit ang mga laminated diplomas, framed certificates of achievements, medals and ribbons of recognition, at graduation picture ng mga miyembro ng pamilya instead of a 55 inch LED TV.  Hindi ito dahil mas gusto ng mga Pinoy ang magyabang, kung hindi gusto lang nilang ipakita kung gaano nila ipinagmamalaki ang mga achievements at accomplishments ng bawat miyembro ng pamilya.


Hoard of Groceries
From: mitchteryosa.com

Hoard of Groceries


Makikita ito kadalasan sa aparador and that is kung me time kayo mag-bukas ng mga aparador sa kusina.  May mga bahay na naka-display ang mga lata ng sardinas, meatloaf, Spam at kung anu-ano pa sa ibabaw ng refrigerator.


Tabo
From: pinoytabo.files.wordpress.com


Tabo


Kahit sa condominium na nakatira or mala-palasyo na ang bahay ng mga Pinoy, hindi pa rin nawawala ang tabo kasama na ang balde.  Marahi, dahil sa ang daloy ng tubig ay mahina minsan sa kung ano mang oras kaya nag-iimbak ng tubig ang mga Pinoy dahil hindi magagamit ang “smart showers” kung mahina ang pressure ng tubig galling NAWASA or MAYNILAD.


Arinola



Arinola


Kahit na may mga accessories na ang mga toilet bowl, makikita niyo pa rin sa loob ng banyo ang arinola.  Ito ay ginagamit ng isa sa miyembro ng pamilya na tinatamad bumaktas galling sa kanyang silid papuntang comfort room.  Hindi ito mawawala sa loob ng bahay lalo na’t may isang masakiting miyembro ng pamilya.


Banig
From: kami.com.ph

Banig


Kung nakapasok na kayo ng bahay sa Pilipinas kung saan ginawang wall décor or carpet ang banig, hindi po kayo nag-iisa at hindi po rare iyan.  Maraming mga Pinoy na hindi lang sa pag-tulog ginagamit ang banig.  At hindi lang isang banig ang meron sa loob ng bahay, marami; depende sa bilang ng miyembro ng pamilya at minsan meron din reserba pa para sa mga bisita.

Plastic grocery bags
From: abc.net.au

Plastic grocery bags


Hindi na kailangang i-remind ang mga maybahay na Pinay regarding recycling at talagang ginagawa nila ito.  Makikita ng mga bisita na merong isang sulok sa bahay kung saan nakasabit ang mga recycled grocery bags.  Kaya kung mahilig ka mag “bring home” ng handa, huwag mahiya at humingi ng plastic bag sa may-ari ng bahay.

Kulambo
From: kami.com.ph

Kulambo


This lowly bedroom accessory which intends to ward off mosquitoes ay biglang nag-karoon ng instant popularity sa Internet.  Biglang sumikat ulit ang kulambo ng may nag-paskil ng larawan kung saan ang pangulo ng bansa ay natutulog sa loob ng kulambo.  

Ang kulambo ay karaniwan makikita sa mga bahay na walang air conditioning system at sa malalamok na lugar.

Dried Palms
From:  Pinterest

Dried Palms


Marami sa mga Pinoy ang naniniwala na ang mga krusipiho na yari sa dahon ng niyog at nabasbasan ng holy water sa panahon ng Kuwaresma ay isang mabuting paraan ng pag-taboy ng masasamang elemento upang hindi makapasok sa bahay.  Kaya nakikita ang mga crucifixes na yari sa dahon ng niyog na nakakabit sa labas ng pintuan at sa ibat–ibang sulok ng bahay.

Electric Fan
From:  thegreendust1.wordpress.com

Electric Fan


Kahit na may–air conditioning system ang bahay ng isang Pinoy, hindi pa rin mawawala ang bentilador sa loob ng pamamahay. Dahil sa pagtitipid, naging permanente ang household item na ito. Lalong makikita mo ang electric fan sa mga bahay na walang air-conditioned. Kahit nga sa mga lugar na malamig ang klima gaya ng Bagiuo, makikita mo pa rin ang bentilador sa sala ng bahay.

Magic Sing and Other Videoke Machines
From :  magicsingstore.com

Magic Sing and Other Videoke Machines


Mahilig talaga ang mga Pinoy kumanta kahit na boses palaka at nakakabulahaw sila sa kani-kanilang mga kapitbahay.  Kung ikaw ay naanyayahan sa isang party, expect na may kantahang mangyayari sa gitna or kahit hindi pa nagsisimula ang okasyon.  On normal days, makikita mo ang Magic Sing microphone sa ilalim ng TV or ang videoke machine or appliance nasa loob ng sala.

Takip Sa Ulam
From: imgrum.net

Takip Sa Ulam


Dahil sa pang-maramihan kadalasan ang niluluto ni nanay or ni lola, madalas hindi nauubos ang ulam at ibang pang pagkain.  Kaya makikita mo sa mesa or hapag kainan ang mga pang–takip sa ulam naka–balandra sa ibabaw; at sa ilalim nito nakatago ang mga ulam.  Kadalasan, yari sa plastic ang mga pantakip ulam.

Lumang diyaryo at magazines
From:  Pinterest


Lumang diyaryo at magazines



Karaniwan, nakikita ito sa ilalim ng mesa or coffee table sa sala.  May mga bahay din na nilalagay ito sa isang magazine rack.  Ang mga lumang pahayagan at magasin ay importante sa bawat bahay ng mga Pilipino dahil kadalasan ito ang emergency item kung may mga pag-babalot na gagawin.



From: amazinginteriordesign.com


Recycled plastic ice cream containers

Hindi mawawala ito dahil ito ang kadalasang ginagamit  na pag-lalagyan ng mga tirang ulam or paglalagyan ng mga “bring home” food para sa mga kaibigan at kamag-anak.  Ginagamit din ito para lalagyan ng personal items at isinisilid sa mga cabinet drawers.

Kaya sa susunod na bumisita kayo sa bahay ng mga kamag-anak or kaibigan, subukan niyo kayang mag-laro at suriin kung alin dito sa mga karaniwang bagay na nakikita sa loob ng bahay ng mga Pinoy ay mayroon sila?

2 comments :

  1. may tawag dun sa pang takip ulam eh, ano nga ba?

    ReplyDelete

Copyright © BlogPh.net